24Ang lahat ng itoʼy sinabi namin sa aming ama noong umuwi kami.
25“Hindi nagtagal, sinabi ng aming ama na muli kaming bumalik dito at bumili ng pagkain.
26Ngunit sinabi po namin sa kanya na makakaalis lang kami kung kasama namin ang aming bunsong kapatid, dahil hindi kami maaaring magpakita sa inyo kung hindi namin kasama ang bunso namin.
27“Ito ang isinagot niya sa amin, ‘Alam nʼyo naman na dalawa lang ang anak ko sa asawa kong si Raquel.
28Ang isaʼy wala na; maaaring niluray-luray siya ng mababangis na hayop. At hanggang ngayoʼy hindi ko pa siya nakikita.