Genesis 44

Bakit kinuha ninyo ang kopa na iniinuman ng aking amo at ginagamit niya sa panghuhula? Masama ang ginawa ninyong ito.’ ”

Genesis 44:5 (UKJV) Is not this it in which my lord drinks, and whereby indeed he divines? all of you have done evil in so doing.

3Kinabukasan, maagang-maagang umalis ang magkakapatid na sakay ng kanilang mga asno.

4Hindi pa sila nakakalayo sa lungsod nang sabihin ni Jose sa kanyang tagapamahalang alipin, “Bilis, habulin mo ang mga taong iyon! At kung maabutan mo silaʼy sabihin mo sa kanila, ‘Bakit masama ang iginanti ninyo sa mabuting ipinakita namin sa inyo?

5Bakit kinuha ninyo ang kopa na iniinuman ng aking amo at ginagamit niya sa panghuhula? Masama ang ginawa ninyong ito.’ ”

6Naabutan ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid at sinabi niya ito sa kanila.

7Sinabi nila sa tagapamahalang alipin, “Bakit po ninyo nasabi iyan, panginoon ko? Malayong gagawin naming mga lingkod mo ang bagay na iyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.