5Bakit kinuha ninyo ang kopa na iniinuman ng aking amo at ginagamit niya sa panghuhula? Masama ang ginawa ninyong ito.’ ”
6Naabutan ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid at sinabi niya ito sa kanila.
7Sinabi nila sa tagapamahalang alipin, “Bakit po ninyo nasabi iyan, panginoon ko? Malayong gagawin naming mga lingkod mo ang bagay na iyan.
8Alam nʼyo rin na mula sa Canaan ay dinala namin pabalik sa inyo ang perang nakita namin sa aming mga sako. Kaya bakit magnanakaw pa kami ng pilak o ginto sa bahay ng amo ninyo?
9Kapag nakita nʼyo ang kopa na iyan sa isa sa amin, patayin nʼyo siya at magiging alipin nʼyo kami.”