7Sinabi nila sa tagapamahalang alipin, “Bakit po ninyo nasabi iyan, panginoon ko? Malayong gagawin naming mga lingkod mo ang bagay na iyan.
8Alam nʼyo rin na mula sa Canaan ay dinala namin pabalik sa inyo ang perang nakita namin sa aming mga sako. Kaya bakit magnanakaw pa kami ng pilak o ginto sa bahay ng amo ninyo?
9Kapag nakita nʼyo ang kopa na iyan sa isa sa amin, patayin nʼyo siya at magiging alipin nʼyo kami.”
10Sinabi ng tagapamahalang alipin, “Sige, Kapag nakita ko ang kopa sa isa sa inyo ay magiging alipin ko siya, at ang matitira sa inyoʼy walang pananagutan.”
11Kaya nagmamadaling ibinaba ng bawat isa ang mga sako nila at binuksan ito.