24Nang pinaalis na niya ang kanyang mga kapatid, sinabi niyang huwag silang mag-aaway sa daan.
25Kaya umalis sila sa Ehipto at bumalik sa kanilang ama sa Canaan.
26Pagdating nila roon, sinabi nila sa kanilang ama, “Buháy pa si Jose! Sa katunayan, siya ang tagapamahala ng buong Ehipto.” Natulala si Jacob; hindi siya makapaniwala.
27Ngunit nang sinabi nila sa kanya ang lahat ng sinabi ni Jose sa kanila, at nang makita niya ang mga karwaheng ipinadala ni Jose para sa pagpunta niya sa Ehipto, bigla siyang lumakas.
28Sinabi ni Jacob, “Naniniwala na ako! Ang anak kong si Jose ay buháy pa. Pupuntahan ko siya bago ako mamatay.”