Genesis 45

Ngayon, magmadali kayong bumalik sa aking ama at sabihin nʼyo sa kanya na ang anak niyaʼy ginawa ng Diyos na tagapamahala ng buong Ehipto. At sabihin ninyo sa kanya na pinapapunta ko siya rito sa akin sa lalong madaling panahon.

Genesis 45:9 (UKJV) Haste all of you, and go up to my father, and say unto him, Thus says your son Joseph, God has made me lord of all Egypt: come down unto me, tarry not:

7Ngunit sinugo ako rito ng Diyos upang mailigtas kayo at mapanatili ang marami sa inyo rito sa mundo.

8“Kaya, hindi kayo ang nagpadala sa akin dito kundi ang Diyos. Ginawa niya akong tagapayo ng Faraon, tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng buong Ehipto.

9Ngayon, magmadali kayong bumalik sa aking ama at sabihin nʼyo sa kanya na ang anak niyaʼy ginawa ng Diyos na tagapamahala ng buong Ehipto. At sabihin ninyo sa kanya na pinapapunta ko siya rito sa akin sa lalong madaling panahon.

10Maaari siyang tumira sa lupain ng Goshen kasama ang kanyang mga anak at mga apo, mga hayop, at ang lahat ng ari-arian niya, upang malapit siya sa akin.

11Aalagaan ko siya rito sa Goshen dahil may darating pang limang taon na taggutom. Ayaw kong magutom siya at ang kanyang sambahayan, pati ang kanyang mga hayop.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.