5Ngayon, huwag kayong mag-alala at huwag ninyong sisihin ang sarili nʼyo dahil ipinagbili nʼyo ako rito, dahil ang Diyos ang siyang nagsugo sa akin dito upang iligtas ang buhay ninyo.
6Ikalawang taon pa lang ito ng taggutom, at may susunod pang limang taon na walang ani.
7Ngunit sinugo ako rito ng Diyos upang mailigtas kayo at mapanatili ang marami sa inyo rito sa mundo.
8“Kaya, hindi kayo ang nagpadala sa akin dito kundi ang Diyos. Ginawa niya akong tagapayo ng Faraon, tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng buong Ehipto.
9Ngayon, magmadali kayong bumalik sa aking ama at sabihin nʼyo sa kanya na ang anak niyaʼy ginawa ng Diyos na tagapamahala ng buong Ehipto. At sabihin ninyo sa kanya na pinapapunta ko siya rito sa akin sa lalong madaling panahon.