3Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, “Ako si Jose! Totoo bang buháy pa ang ating ama?” Ngunit hindi nakasagot sa kanya ang mga kapatid niya dahil natulala sila.
4Kaya sinabi ni Jose, “Lumapit kayo sa akin.” Nang lumapit na sila, sinabi niya, “Ako si Jose na kapatid ninyo, ang ipinagbili ninyo upang maging alipin dito sa Ehipto.
5Ngayon, huwag kayong mag-alala at huwag ninyong sisihin ang sarili nʼyo dahil ipinagbili nʼyo ako rito, dahil ang Diyos ang siyang nagsugo sa akin dito upang iligtas ang buhay ninyo.
6Ikalawang taon pa lang ito ng taggutom, at may susunod pang limang taon na walang ani.
7Ngunit sinugo ako rito ng Diyos upang mailigtas kayo at mapanatili ang marami sa inyo rito sa mundo.