Genesis 45

Kaya sinabi ni Jose, “Lumapit kayo sa akin.” Nang lumapit na sila, sinabi niya, “Ako si Jose na kapatid ninyo, ang ipinagbili ninyo upang maging alipin dito sa Ehipto.

Genesis 45:4 (UKJV) And Joseph said unto his brethren, Come near to me, I pray you. And they came near. And he said, I am Joseph your brother, whom all of you sold into Egypt.

2Umiyak nang malakas si Jose kaya narinig ito ng mga Ehipsiyo at ng sambahayan ng Faraon.

3Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, “Ako si Jose! Totoo bang buháy pa ang ating ama?” Ngunit hindi nakasagot sa kanya ang mga kapatid niya dahil natulala sila.

4Kaya sinabi ni Jose, “Lumapit kayo sa akin.” Nang lumapit na sila, sinabi niya, “Ako si Jose na kapatid ninyo, ang ipinagbili ninyo upang maging alipin dito sa Ehipto.

5Ngayon, huwag kayong mag-alala at huwag ninyong sisihin ang sarili nʼyo dahil ipinagbili nʼyo ako rito, dahil ang Diyos ang siyang nagsugo sa akin dito upang iligtas ang buhay ninyo.

6Ikalawang taon pa lang ito ng taggutom, at may susunod pang limang taon na walang ani.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.