1Hindi na mapigilan ni Jose ang kanyang sarili, kaya pinalabas niya ang kanyang mga alipin. At nang sila na lamang ang naroon, nagpakilala siya sa kanyang mga kapatid.
2Umiyak nang malakas si Jose kaya narinig ito ng mga Ehipsiyo at ng sambahayan ng Faraon.
3Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, “Ako si Jose! Totoo bang buháy pa ang ating ama?” Ngunit hindi nakasagot sa kanya ang mga kapatid niya dahil natulala sila.
4Kaya sinabi ni Jose, “Lumapit kayo sa akin.” Nang lumapit na sila, sinabi niya, “Ako si Jose na kapatid ninyo, ang ipinagbili ninyo upang maging alipin dito sa Ehipto.
5Ngayon, huwag kayong mag-alala at huwag ninyong sisihin ang sarili nʼyo dahil ipinagbili nʼyo ako rito, dahil ang Diyos ang siyang nagsugo sa akin dito upang iligtas ang buhay ninyo.