30Sinabi ni Jacob kay Jose, “Ngayon, handa na akong mamatay dahil nakita kong mismo na buhay ka pa.”
31At sinabi ni Jose sa mga kapatid niya at sa buong sambahayan ng kanyang ama, “Aalis ako at sasabihin sa Faraon na narito na ang mga kapatid ko at ang buong sambahayan ng aking ama na nakatira sa Canaan.
32Sasabihin ko rin sa kanya na nagpapastol kayo ng mga hayop, at dinala ninyo ang mga hayop ninyo at ang lahat ng ari-arian ninyo.
33Kaya kapag ipinatawag niya kayo at itinanong kung ano ang trabaho ninyo,
34sabihin nʼyo na nagpapastol kayo ng mga hayop mula pagkabata katulad ng mga magulang ninyo, upang patirahin niya kayo sa Goshen. Sapagkat nasusuklam ang mga Ehipsiyo sa mga nagpapastol ng hayop.”