Genesis 46

Ako mismo ang kasama mo sa pagpunta sa Ehipto at muli kitang ibabalik dito. At kung mamamatay ka na, nandiyan si Jose sa iyong tabi.”

Genesis 46:4 (UKJV) I will go down with you into Egypt; and I will also surely bring you up again: and Joseph shall put his hand upon yours eyes.

2Kinagabihan, nakipag-usap ang Diyos sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. Tinawag ng Diyos si Jacob, at sumagot si Jacob sa kanya.

3Pagkatapos, sinabi niya, “Ako ang Diyos, na siyang Diyos ng iyong ama. Huwag kang matakot pumunta sa Ehipto, dahil gagawin ko kayong isang kilalang bansa roon.

4Ako mismo ang kasama mo sa pagpunta sa Ehipto at muli kitang ibabalik dito. At kung mamamatay ka na, nandiyan si Jose sa iyong tabi.”

5Kayaʼt naglakbay si Jacob mula sa Beer-seba, at dinala siya ng kanyang mga anak sa Ehipto. Pinasakay siya, ang kanyang mga apo, ng mga anak niya sa karwaheng ibinigay ng Faraon para sakyan niya.

6Dinala nila ang kanilang mga alagang hayop at ang mga ari-ariang naipon nila sa Canaan. Kaya pumunta si Jacob at ang kanyang sambahayan sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.