1Naglakbay nga si Jacob papunta sa Ehipto, dala ang lahat ng kanyang ari-arian. Pagdating niya sa Beer-seba, naghandog siya sa Diyos ng ama niyang si Isaac.
2Kinagabihan, nakipag-usap ang Diyos sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. Tinawag ng Diyos si Jacob, at sumagot si Jacob sa kanya.
3Pagkatapos, sinabi niya, “Ako ang Diyos, na siyang Diyos ng iyong ama. Huwag kang matakot pumunta sa Ehipto, dahil gagawin ko kayong isang kilalang bansa roon.
4Ako mismo ang kasama mo sa pagpunta sa Ehipto at muli kitang ibabalik dito. At kung mamamatay ka na, nandiyan si Jose sa iyong tabi.”
5Kayaʼt naglakbay si Jacob mula sa Beer-seba, at dinala siya ng kanyang mga anak sa Ehipto. Pinasakay siya, ang kanyang mga apo, ng mga anak niya sa karwaheng ibinigay ng Faraon para sakyan niya.