1Naglakbay nga si Jacob papunta sa Ehipto, dala ang lahat ng kanyang ari-arian. Pagdating niya sa Beer-seba, naghandog siya sa Diyos ng ama niyang si Isaac.
2Kinagabihan, nakipag-usap ang Diyos sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. Tinawag ng Diyos si Jacob, at sumagot si Jacob sa kanya.
3Pagkatapos, sinabi niya, “Ako ang Diyos, na siyang Diyos ng iyong ama. Huwag kang matakot pumunta sa Ehipto, dahil gagawin ko kayong isang kilalang bansa roon.