5Kayaʼt naglakbay si Jacob mula sa Beer-seba, at dinala siya ng kanyang mga anak sa Ehipto. Pinasakay siya, ang kanyang mga apo, ng mga anak niya sa karwaheng ibinigay ng Faraon para sakyan niya.
6Dinala nila ang kanilang mga alagang hayop at ang mga ari-ariang naipon nila sa Canaan. Kaya pumunta si Jacob at ang kanyang sambahayan sa Ehipto.
7Isinama niya ang lahat ng kanyang mga anak at mga apo, lalaki at babae.
8Ito ang mga pangalan ng mga lahi ni Jacob na pumunta sa Ehipto: Si Ruben ang panganay niyang anak.
9Ang mga anak na lalaki ni Ruben ay sina Enoc, Falu, Hezron at Carmi.