7Isinama niya ang lahat ng kanyang mga anak at mga apo, lalaki at babae.
8Ito ang mga pangalan ng mga lahi ni Jacob na pumunta sa Ehipto: Si Ruben ang panganay niyang anak.
9Ang mga anak na lalaki ni Ruben ay sina Enoc, Falu, Hezron at Carmi.
10Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at si Saul na anak ng isang babaeng taga-Canaan.
11Ang mga lalaking anak ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.