Genesis 47

Nang maramdaman niyang malapit na siyang mamatay, tinawag niya si Jose at sinabi, “Kung maaari, ilagay mo ang kamay mo sa pagitan ng dalawang hita ko at manumpa ka na ipagpapatuloy mo ang pagpapakita ng iyong kagandahang-loob sa akin. Huwag mo akong ilibing dito sa Ehipto.

Genesis 47:29 (UKJV) And the time drew nigh that Israel must die: and he called his son Joseph, and said unto him, If now I have found grace in your sight, put, I pray you, your hand under my thigh, and deal kindly and truly with me; bury me not, I pray you, in Egypt:

27Tumira ang mga Israelita sa Goshen na sakop ng Ehipto. Nagkaroon sila roon ng lupain at dumami pa ang lahi nila.

28Tumira si Jacob sa Ehipto sa loob ng labingpitong taon, nabuhay siya hanggang 147 taon.

29Nang maramdaman niyang malapit na siyang mamatay, tinawag niya si Jose at sinabi, “Kung maaari, ilagay mo ang kamay mo sa pagitan ng dalawang hita ko at manumpa ka na ipagpapatuloy mo ang pagpapakita ng iyong kagandahang-loob sa akin. Huwag mo akong ilibing dito sa Ehipto.

30Kapag namatay na ako, ilabas mo ako sa Ehipto, at ilibing mo ako sa libingan ng aking mga ninuno.” Sumagot si Jose, “Gagawin ko po ang sinasabi ninyo.”

31Sinabi ni Jacob, “Sumumpa ka sa akin.” Kaya sumumpa si Jose sa kanya. Yumuko si Jacob sa kanyang higaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.