28Tumira si Jacob sa Ehipto sa loob ng labingpitong taon, nabuhay siya hanggang 147 taon.
29Nang maramdaman niyang malapit na siyang mamatay, tinawag niya si Jose at sinabi, “Kung maaari, ilagay mo ang kamay mo sa pagitan ng dalawang hita ko at manumpa ka na ipagpapatuloy mo ang pagpapakita ng iyong kagandahang-loob sa akin. Huwag mo akong ilibing dito sa Ehipto.
30Kapag namatay na ako, ilabas mo ako sa Ehipto, at ilibing mo ako sa libingan ng aking mga ninuno.” Sumagot si Jose, “Gagawin ko po ang sinasabi ninyo.”
31Sinabi ni Jacob, “Sumumpa ka sa akin.” Kaya sumumpa si Jose sa kanya. Yumuko si Jacob sa kanyang higaan.