9Sumagot si Jose, “Sila po ang mga anak ko na ibinigay sa akin ng Diyos dito sa Ehipto.” Kaya sinabi ni Israel, “Dalhin mo sila rito sa akin upang mabasbasan ko sila.”
10Halos hindi na makakita si Israel dahil sa katandaan, kaya dinala ni Jose ang mga anak niya papalapit kay Israel. Niyakap sila ni Israel at hinalikan.
11Sinabi ni Israel kay Jose, “Hindi na talaga ako umaasa na makikita pa kita, ngunit ngayon ipinahintulot ng Diyos na hindi lang ikaw ang makita ko kundi pati ang mga anak mo.”
12Kinuha agad ni Jose ang mga anak niya sa kandungan ni Israel at nagpatirapa.
13Pagkatapos, inilapit niya ang mga anak niya sa lolo ng mga ito. Si Efraim ay nasa kanan ni Jose, na nasa kaliwa ni Israel at si Manases ay nasa kaliwa ni Jose na nasa kanan ni Israel.