Genesis 48

Pagkatapos, inilapit niya ang mga anak niya sa lolo ng mga ito. Si Efraim ay nasa kanan ni Jose, na nasa kaliwa ni Israel at si Manases ay nasa kaliwa ni Jose na nasa kanan ni Israel.

Genesis 48:13 (UKJV) And Joseph took them both, Ephraim in his right hand toward Israel's left hand, and Manasseh in his left hand toward Israel's right hand, and brought them near unto him.

11Sinabi ni Israel kay Jose, “Hindi na talaga ako umaasa na makikita pa kita, ngunit ngayon ipinahintulot ng Diyos na hindi lang ikaw ang makita ko kundi pati ang mga anak mo.”

12Kinuha agad ni Jose ang mga anak niya sa kandungan ni Israel at nagpatirapa.

13Pagkatapos, inilapit niya ang mga anak niya sa lolo ng mga ito. Si Efraim ay nasa kanan ni Jose, na nasa kaliwa ni Israel at si Manases ay nasa kaliwa ni Jose na nasa kanan ni Israel.

14Ngunit ipinatong ni Israel ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Efraim na siyang nakababata, at ipinatong ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Manases na siya namang nakatatanda.

15Pagkatapos, binasbasan niya ang mga ito na sinasabi, “Nawaʼy pagpalain ang mga batang ito ng Diyos na pinaglingkuran ng aking mga ninuno na sina Abraham at Isaac, na siya ring Diyos na nagbabantay sa akin simula nang ipinanganak ako hanggang ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.