Genesis 48

Pagkatapos, binasbasan niya ang mga ito na sinasabi, “Nawaʼy pagpalain ang mga batang ito ng Diyos na pinaglingkuran ng aking mga ninuno na sina Abraham at Isaac, na siya ring Diyos na nagbabantay sa akin simula nang ipinanganak ako hanggang ngayon.

Genesis 48:15 (UKJV) And he blessed Joseph, and said, God, before whom my fathers Abraham and Isaac did walk, the God which fed me all my life long unto this day,

13Pagkatapos, inilapit niya ang mga anak niya sa lolo ng mga ito. Si Efraim ay nasa kanan ni Jose, na nasa kaliwa ni Israel at si Manases ay nasa kaliwa ni Jose na nasa kanan ni Israel.

14Ngunit ipinatong ni Israel ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Efraim na siyang nakababata, at ipinatong ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Manases na siya namang nakatatanda.

15Pagkatapos, binasbasan niya ang mga ito na sinasabi, “Nawaʼy pagpalain ang mga batang ito ng Diyos na pinaglingkuran ng aking mga ninuno na sina Abraham at Isaac, na siya ring Diyos na nagbabantay sa akin simula nang ipinanganak ako hanggang ngayon.

16At nawaʼy pagpalain din sila ng Anghel na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. Nawaʼy maalala ako at ang aking mga ninunong sina Abraham at Isaac sa pamamagitan nila. At nawaʼy dumami pa sila sa mundo.”

17Nang makita ni Jose na ipinatong ng kanyang ama ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya ito ikinatuwa. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat kay Manases,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.