Genesis 48

Nang makita ni Jose na ipinatong ng kanyang ama ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya ito ikinatuwa. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat kay Manases,

Genesis 48:17 (UKJV) And when Joseph saw that his father laid his right hand upon the head of Ephraim, it displeased him: and he held up his father's hand, to remove it from Ephraim's head unto Manasseh's head.

15Pagkatapos, binasbasan niya ang mga ito na sinasabi, “Nawaʼy pagpalain ang mga batang ito ng Diyos na pinaglingkuran ng aking mga ninuno na sina Abraham at Isaac, na siya ring Diyos na nagbabantay sa akin simula nang ipinanganak ako hanggang ngayon.

16At nawaʼy pagpalain din sila ng Anghel na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. Nawaʼy maalala ako at ang aking mga ninunong sina Abraham at Isaac sa pamamagitan nila. At nawaʼy dumami pa sila sa mundo.”

17Nang makita ni Jose na ipinatong ng kanyang ama ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya ito ikinatuwa. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat kay Manases,

18At sinabi, “Ama, hindi po iyan. Ito po ang panganay; ipatong po ninyo ang kanang kamay ninyo sa ulo niya.”

19Ngunit sumagot ang kanyang ama, “Oo, alam ko anak. Ang mga lahi ni Manases ay magiging kilala ring mga bansa. Ngunit mas magiging kilala ang mga lahi ng nakababata niyang kapatid at magiging mas marami ang lahi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.