Genesis 48

At nawaʼy pagpalain din sila ng Anghel na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. Nawaʼy maalala ako at ang aking mga ninunong sina Abraham at Isaac sa pamamagitan nila. At nawaʼy dumami pa sila sa mundo.”

Genesis 48:16 (UKJV) The Angel which redeemed me from all evil, bless the lads; and let my name be named on them, and the name of my fathers Abraham and Isaac; and let them grow into a multitude in the midst of the earth.

14Ngunit ipinatong ni Israel ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Efraim na siyang nakababata, at ipinatong ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Manases na siya namang nakatatanda.

15Pagkatapos, binasbasan niya ang mga ito na sinasabi, “Nawaʼy pagpalain ang mga batang ito ng Diyos na pinaglingkuran ng aking mga ninuno na sina Abraham at Isaac, na siya ring Diyos na nagbabantay sa akin simula nang ipinanganak ako hanggang ngayon.

16At nawaʼy pagpalain din sila ng Anghel na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. Nawaʼy maalala ako at ang aking mga ninunong sina Abraham at Isaac sa pamamagitan nila. At nawaʼy dumami pa sila sa mundo.”

17Nang makita ni Jose na ipinatong ng kanyang ama ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya ito ikinatuwa. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat kay Manases,

18At sinabi, “Ama, hindi po iyan. Ito po ang panganay; ipatong po ninyo ang kanang kamay ninyo sa ulo niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.