17Nang makita ni Jose na ipinatong ng kanyang ama ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya ito ikinatuwa. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat kay Manases,
18At sinabi, “Ama, hindi po iyan. Ito po ang panganay; ipatong po ninyo ang kanang kamay ninyo sa ulo niya.”
19Ngunit sumagot ang kanyang ama, “Oo, alam ko anak. Ang mga lahi ni Manases ay magiging kilala ring mga bansa. Ngunit mas magiging kilala ang mga lahi ng nakababata niyang kapatid at magiging mas marami ang lahi nito.”
20At sa araw na iyon, binasbasan niya ang mga ito at sinabi, “Gagamitin ng mga Israelita ang pangalan mo sa pagbabasbas. Sasabihin nila, ‘Nawaʼy pagpalain ka ng Diyos kagaya nina Efraim at Manases.’ ” Sa paraang iyon, ginawa niya si Efraim na nakahihigit kay Manases.
21Kaya sinabi ni Israel kay Jose, “Malapit na akong mamatay, ngunit huwag kayong mag-aalala sapagkat sasamahan kayo ng Diyos at pababalikin kayo sa lupain ng inyong ninuno.