Genesis 48

At sa araw na iyon, binasbasan niya ang mga ito at sinabi, “Gagamitin ng mga Israelita ang pangalan mo sa pagbabasbas. Sasabihin nila, ‘Nawaʼy pagpalain ka ng Diyos kagaya nina Efraim at Manases.’ ” Sa paraang iyon, ginawa niya si Efraim na nakahihigit kay Manases.

Genesis 48:20 (UKJV) And he blessed them that day, saying, In you shall Israel bless, saying, God make you as Ephraim and as Manasseh: and he set Ephraim before Manasseh.

18At sinabi, “Ama, hindi po iyan. Ito po ang panganay; ipatong po ninyo ang kanang kamay ninyo sa ulo niya.”

19Ngunit sumagot ang kanyang ama, “Oo, alam ko anak. Ang mga lahi ni Manases ay magiging kilala ring mga bansa. Ngunit mas magiging kilala ang mga lahi ng nakababata niyang kapatid at magiging mas marami ang lahi nito.”

20At sa araw na iyon, binasbasan niya ang mga ito at sinabi, “Gagamitin ng mga Israelita ang pangalan mo sa pagbabasbas. Sasabihin nila, ‘Nawaʼy pagpalain ka ng Diyos kagaya nina Efraim at Manases.’ ” Sa paraang iyon, ginawa niya si Efraim na nakahihigit kay Manases.

21Kaya sinabi ni Israel kay Jose, “Malapit na akong mamatay, ngunit huwag kayong mag-aalala sapagkat sasamahan kayo ng Diyos at pababalikin kayo sa lupain ng inyong ninuno.

22At ikaw ang magmamana ng Shekem, at hindi ang mga kapatid mo. Ang lupain na iyon na napasaakin dahil sa pakikipaglaban ko sa mga Amoreo sa pamamagitan ng espada at pana.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.