17Siyaʼy magiging isang ahas sa tabi ng daan, isang mabagsik na ulupong na nasa daanan, na tumutuklaw sa paa ng kabayong dumaraan upang mahulog ang ditoʼy nakasakay.
18“O Panginoon, naghihintay po ako sa inyong pagliligtas.
19“Si Gad ay lulusubin ng grupo ng mga tulisan, ngunit gaganti siyaʼt lulusubin din sila.
20“Si Asher ay magiging sagana sa pagkain, at magbibigay ng mga pagkaing angkop sa hari.
21“Si Neftali ay tulad ng pinakawalang usa na manganganak ng mga supling na magaganda.