15Nang makita niyang masagana at mainam ang kanyang lupain titiisin na lang niyang magpaalipin, kahit pa siyaʼy sapilitang pagtatrabahuhin.
16“Si Dan ang magdadala ng katarungan sa kanyang bayan bilang isa sa mga angkan ni Israel.
17Siyaʼy magiging isang ahas sa tabi ng daan, isang mabagsik na ulupong na nasa daanan, na tumutuklaw sa paa ng kabayong dumaraan upang mahulog ang ditoʼy nakasakay.
18“O Panginoon, naghihintay po ako sa inyong pagliligtas.
19“Si Gad ay lulusubin ng grupo ng mga tulisan, ngunit gaganti siyaʼt lulusubin din sila.