Genesis 49

Juda, aking anak, katulad ka ng isang batang leon na katatapos lang lumapa ng kanyang pagkain. Katulad si Juda ng leong gumagapang at humihiga, gaya ng babaeng leon na walang nagtatangkang gumambala.

Genesis 49:9 (UKJV) Judah is a lion's offspring: from the prey, my son, you are gone up: he stooped down, he couched as a lion, and as an old lion; who shall rouse him up?

7Sinusumpa ko ang kanilang galit, dahil itoʼy malupit, at ang kanilang poot, dahil itoʼy mabagsik. Ikakalat ko sila sa angkan ni Jacob, at magkakawatak-watak sila sa buong Israel.

8“Ikaw Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid. Ang iyong mga kaaway ay hahawakan mo sa leeg. Ang mga anak ng iyong amaʼy yuyuko saʼyo.

9Juda, aking anak, katulad ka ng isang batang leon na katatapos lang lumapa ng kanyang pagkain. Katulad si Juda ng leong gumagapang at humihiga, gaya ng babaeng leon na walang nagtatangkang gumambala.

10Ang setro ng hari ay hindi mawawala kay Juda; at ang tungkod ng pamamahala ay mananatili sa lahi niya hanggang sa dumating ang karapat-dapat mamuno at susunod sa kanya ang lahat ng bansa.

11Itatali niya ang kanyang asno at guya sa pinakamagandang puno ng ubas, at lalabhan niya sa alak ang kanyang mga damit

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.