Genesis 49

Ang setro ng hari ay hindi mawawala kay Juda; at ang tungkod ng pamamahala ay mananatili sa lahi niya hanggang sa dumating ang karapat-dapat mamuno at susunod sa kanya ang lahat ng bansa.

Genesis 49:10 (UKJV) The sceptre shall not depart from Judah, nor a lawgiver from between his feet, until Shiloh come; and unto him shall the gathering of the people be.

8“Ikaw Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid. Ang iyong mga kaaway ay hahawakan mo sa leeg. Ang mga anak ng iyong amaʼy yuyuko saʼyo.

9Juda, aking anak, katulad ka ng isang batang leon na katatapos lang lumapa ng kanyang pagkain. Katulad si Juda ng leong gumagapang at humihiga, gaya ng babaeng leon na walang nagtatangkang gumambala.

10Ang setro ng hari ay hindi mawawala kay Juda; at ang tungkod ng pamamahala ay mananatili sa lahi niya hanggang sa dumating ang karapat-dapat mamuno at susunod sa kanya ang lahat ng bansa.

11Itatali niya ang kanyang asno at guya sa pinakamagandang puno ng ubas, at lalabhan niya sa alak ang kanyang mga damit

12Mas mapula pa kaysa sa alak ang kanyang mga mata at mas maputi kaysa sa gatas ang mga ngipin niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.