Genesis 50

Tumagal ang pag-eembalsamo sa kanya ng apatnapung araw, ayon sa kaugalian ng mga Ehipsiyo. Nagluksa ang mga Ehipsiyo sa loob ng pitumpung araw.

Genesis 50:3 (UKJV) And forty days were fulfilled for him; for so are fulfilled the days of those which are embalmed: and the Egyptians mourned for him threescore and ten days.

1Niyakap agad ni Jose ang kanyang ama at hinalikan habang umiiyak.

2Pagkatapos, inutusan niya ang mga lingkod niyang manggagamot na embalsamohin ang kanyang ama. Kaya inembalsamo nila si Israel.

3Tumagal ang pag-eembalsamo sa kanya ng apatnapung araw, ayon sa kaugalian ng mga Ehipsiyo. Nagluksa ang mga Ehipsiyo sa loob ng pitumpung araw.

4Nang matapos ang kanilang pagluluksa, sinabi ni Jose sa mga opisyal ng Faraon, “Kung nalulugod po kayo sa akin, pakiusapan ninyo ang Faraon para sa akin. Sabihin ninyo sa kanya

5na pinasumpa ako ng aking ama. Sinabi niya, ‘Malapit na akong mamatay kaya ilibing mo ako sa libingang inihanda ko para sa akin sa Canaan.’ Ngayon, hayaan ninyong ilibing ko ang aking ama, at pagkatapos nooʼy babalik din po ako.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.