Genesis 50

Nang matapos ang kanilang pagluluksa, sinabi ni Jose sa mga opisyal ng Faraon, “Kung nalulugod po kayo sa akin, pakiusapan ninyo ang Faraon para sa akin. Sabihin ninyo sa kanya

Genesis 50:4 (UKJV) And when the days of his mourning were past, Joseph spoke unto the house of Pharaoh, saying, If now I have found grace in your eyes, speak, I pray you, in the ears of Pharaoh, saying,

2Pagkatapos, inutusan niya ang mga lingkod niyang manggagamot na embalsamohin ang kanyang ama. Kaya inembalsamo nila si Israel.

3Tumagal ang pag-eembalsamo sa kanya ng apatnapung araw, ayon sa kaugalian ng mga Ehipsiyo. Nagluksa ang mga Ehipsiyo sa loob ng pitumpung araw.

4Nang matapos ang kanilang pagluluksa, sinabi ni Jose sa mga opisyal ng Faraon, “Kung nalulugod po kayo sa akin, pakiusapan ninyo ang Faraon para sa akin. Sabihin ninyo sa kanya

5na pinasumpa ako ng aking ama. Sinabi niya, ‘Malapit na akong mamatay kaya ilibing mo ako sa libingang inihanda ko para sa akin sa Canaan.’ Ngayon, hayaan ninyong ilibing ko ang aking ama, at pagkatapos nooʼy babalik din po ako.”

6Sinabi ni Faraon, “Humayo ka. Ilibing mo ang iyong ama ayon sa isinumpa mo sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.