Genesis 50

Kaya umalis si Jose upang ilibing ang kanyang ama, kasama ang maraming opisyal ng Faraon: ang mga tagapamahala ng palasyo at ang mga tagapamahala ng Ehipto.

Genesis 50:7 (UKJV) And Joseph went up to bury his father: and with him went up all the servants of Pharaoh, the elders of his house, and all the elders of the land of Egypt,

5na pinasumpa ako ng aking ama. Sinabi niya, ‘Malapit na akong mamatay kaya ilibing mo ako sa libingang inihanda ko para sa akin sa Canaan.’ Ngayon, hayaan ninyong ilibing ko ang aking ama, at pagkatapos nooʼy babalik din po ako.”

6Sinabi ni Faraon, “Humayo ka. Ilibing mo ang iyong ama ayon sa isinumpa mo sa kanya.”

7Kaya umalis si Jose upang ilibing ang kanyang ama, kasama ang maraming opisyal ng Faraon: ang mga tagapamahala ng palasyo at ang mga tagapamahala ng Ehipto.

8Kasama rin ang sambahayan ni Jose, ang kanyang mga kapatid, at ang iba pang sambahayan ng kanyang ama. Ang tanging naiwan sa Goshen ay ang kanilang mga maliliit na anak, at ang kanilang mga kawan ng tupa, kambing at baka.

9Umalis silang kasama niya ang mga nakakarwahe at nangangabayo, kaya talagang napakarami ng kanilang pangkat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.