Genesis 50

Kasama rin ang sambahayan ni Jose, ang kanyang mga kapatid, at ang iba pang sambahayan ng kanyang ama. Ang tanging naiwan sa Goshen ay ang kanilang mga maliliit na anak, at ang kanilang mga kawan ng tupa, kambing at baka.

Genesis 50:8 (UKJV) And all the house of Joseph, and his brethren, and his father's house: only their little ones, and their flocks, and their herds, they left in the land of Goshen.

6Sinabi ni Faraon, “Humayo ka. Ilibing mo ang iyong ama ayon sa isinumpa mo sa kanya.”

7Kaya umalis si Jose upang ilibing ang kanyang ama, kasama ang maraming opisyal ng Faraon: ang mga tagapamahala ng palasyo at ang mga tagapamahala ng Ehipto.

8Kasama rin ang sambahayan ni Jose, ang kanyang mga kapatid, at ang iba pang sambahayan ng kanyang ama. Ang tanging naiwan sa Goshen ay ang kanilang mga maliliit na anak, at ang kanilang mga kawan ng tupa, kambing at baka.

9Umalis silang kasama niya ang mga nakakarwahe at nangangabayo, kaya talagang napakarami ng kanilang pangkat.

10Pagdating nila sa giikan sa Atad, malapit sa Ilog Jordan, umiyak sila ng malakas at matindi ang kanilang pagtangis. Nagdaos si Jose roon ng pitong araw na pagluluksa para sa kanyang ama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.