Genesis 50

Pagdating nila sa giikan sa Atad, malapit sa Ilog Jordan, umiyak sila ng malakas at matindi ang kanilang pagtangis. Nagdaos si Jose roon ng pitong araw na pagluluksa para sa kanyang ama.

Genesis 50:10 (UKJV) And they came to the threshing floor of Atad, which is beyond Jordan, and there they mourned with a great and very sore lamentation: and he made a mourning for his father seven days.

8Kasama rin ang sambahayan ni Jose, ang kanyang mga kapatid, at ang iba pang sambahayan ng kanyang ama. Ang tanging naiwan sa Goshen ay ang kanilang mga maliliit na anak, at ang kanilang mga kawan ng tupa, kambing at baka.

9Umalis silang kasama niya ang mga nakakarwahe at nangangabayo, kaya talagang napakarami ng kanilang pangkat.

10Pagdating nila sa giikan sa Atad, malapit sa Ilog Jordan, umiyak sila ng malakas at matindi ang kanilang pagtangis. Nagdaos si Jose roon ng pitong araw na pagluluksa para sa kanyang ama.

11Nang makita ng mga Cananeo ang pagdadalamhati nila sa may giikan sa Atad, sinabi nila, “Labis ang pagdadalamhati ng mga Ehipsiyo.” Kaya ang lugar na iyon na malapit sa Ilog Jordan ay tinawag na Abel-mizraim.

12Tinupad nga ng mga anak ni Jacob ang habilin niya sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.