Genesis 50

Tinupad nga ng mga anak ni Jacob ang habilin niya sa kanila.

Genesis 50:12 (UKJV) And his sons did unto him according as he commanded them:

10Pagdating nila sa giikan sa Atad, malapit sa Ilog Jordan, umiyak sila ng malakas at matindi ang kanilang pagtangis. Nagdaos si Jose roon ng pitong araw na pagluluksa para sa kanyang ama.

11Nang makita ng mga Cananeo ang pagdadalamhati nila sa may giikan sa Atad, sinabi nila, “Labis ang pagdadalamhati ng mga Ehipsiyo.” Kaya ang lugar na iyon na malapit sa Ilog Jordan ay tinawag na Abel-mizraim.

12Tinupad nga ng mga anak ni Jacob ang habilin niya sa kanila.

13Sapagkat dinala nila ang bangkay nito sa Canaan at inilibing sa kuwebang nasa bukid ng Macpela, sa silangan ng Mamre. Binili ni Abraham ang bukid na ito kay Efron na Heteo upang gawing libingan.

14Pagkatapos ng libing, bumalik si Jose sa Ehipto kasama ang kanyang mga kapatid at ang lahat ng sumáma sa paglilibing.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.