Genesis 50

Sapagkat dinala nila ang bangkay nito sa Canaan at inilibing sa kuwebang nasa bukid ng Macpela, sa silangan ng Mamre. Binili ni Abraham ang bukid na ito kay Efron na Heteo upang gawing libingan.

Genesis 50:13 (UKJV) For his sons carried him into the land of Canaan, and buried him in the cave of the field of Machpelah, which Abraham bought with the field for a possession of a buryingplace of Ephron the Hittite, before Mamre.

11Nang makita ng mga Cananeo ang pagdadalamhati nila sa may giikan sa Atad, sinabi nila, “Labis ang pagdadalamhati ng mga Ehipsiyo.” Kaya ang lugar na iyon na malapit sa Ilog Jordan ay tinawag na Abel-mizraim.

12Tinupad nga ng mga anak ni Jacob ang habilin niya sa kanila.

13Sapagkat dinala nila ang bangkay nito sa Canaan at inilibing sa kuwebang nasa bukid ng Macpela, sa silangan ng Mamre. Binili ni Abraham ang bukid na ito kay Efron na Heteo upang gawing libingan.

14Pagkatapos ng libing, bumalik si Jose sa Ehipto kasama ang kanyang mga kapatid at ang lahat ng sumáma sa paglilibing.

15Ngayong patay na ang kanilang ama, sinabi ng mga kapatid ni Jose, “Baka nagkikimkim pa ng galit sa atin si Jose at gumanti siya sa ginawa natin sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.