Genesis 6

Ngayon, sinabi ng Panginoon, “Hindi ko papayagang mabuhay ang tao nang matagal dahil silaʼy tao lamang. Kaya mula ngayon, ang tao ay mabubuhay nang hindi hihigit sa 120 taon.”

Genesis 6:3 (UKJV) And the LORD said, My spirit shall not always strive with man, for that he also is flesh: yet his days shall be an hundred and twenty years.

1Hindi nagtagal, dumami ang mga tao sa mundo, at marami silang mga anak na babae.

2Nakita ng mga lalaking anak ng Diyos na ang mga babae ay magaganda. Kaya pumili sila ng magiging asawa nila sa sinumang maibigan nila.

3Ngayon, sinabi ng Panginoon, “Hindi ko papayagang mabuhay ang tao nang matagal dahil silaʼy tao lamang. Kaya mula ngayon, ang tao ay mabubuhay nang hindi hihigit sa 120 taon.”

4Nang panahong iyon, at kahit pagkatapos noon, may mga higante na nakatira sa lupa. Sila ang lahi ng mga lalaking anak ng Diyos na nakipagtalik sa mga anak na babae ng tao. Silaʼy makapangyarihan at kilalang tao noong unang panahon.

5Nang makita ng Panginoon na ang ginagawa ng mga tao sa mundo ay puro kasamaan lang, at ang palagi nilang iniisip ay masama,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.