Genesis 6

Kaya sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang lahat ng taong nilikha ko sa buong lupain. At lilipulin ko rin ang lahat ng hayop sa lupa pati ang mga hayop na lumilipad, dahil nanghihinayang ako sa paglikha sa kanila.”

Genesis 6:7 (UKJV) And the LORD said, I will destroy man whom I have created from the face of the earth; both man, and beast, and the creeping thing, and the fowls of the air; for it repents me that I have made them.

5Nang makita ng Panginoon na ang ginagawa ng mga tao sa mundo ay puro kasamaan lang, at ang palagi nilang iniisip ay masama,

6nagsisi ang Panginoon kung bakit ginawa pa niya ang tao sa mundo. Labis ang kalungkutan niya.

7Kaya sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang lahat ng taong nilikha ko sa buong lupain. At lilipulin ko rin ang lahat ng hayop sa lupa pati ang mga hayop na lumilipad, dahil nanghihinayang ako sa paglikha sa kanila.”

8Ngunit may isang tao na nakapagbigay-lugod sa Panginoon, siya ay si Noe.

9Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Noe. Si Noe ay makadiyos. Siya lang ang namumuhay na matuwid sa kapanahunan niya, at malapít ang kanyang relasyon sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.