6nagsisi ang Panginoon kung bakit ginawa pa niya ang tao sa mundo. Labis ang kalungkutan niya.
7Kaya sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang lahat ng taong nilikha ko sa buong lupain. At lilipulin ko rin ang lahat ng hayop sa lupa pati ang mga hayop na lumilipad, dahil nanghihinayang ako sa paglikha sa kanila.”
8Ngunit may isang tao na nakapagbigay-lugod sa Panginoon, siya ay si Noe.
9Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Noe. Si Noe ay makadiyos. Siya lang ang namumuhay na matuwid sa kapanahunan niya, at malapít ang kanyang relasyon sa Diyos.
10May tatlo siyang anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet.