8Ngunit may isang tao na nakapagbigay-lugod sa Panginoon, siya ay si Noe.
9Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Noe. Si Noe ay makadiyos. Siya lang ang namumuhay na matuwid sa kapanahunan niya, at malapít ang kanyang relasyon sa Diyos.
10May tatlo siyang anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet.
11Napakasama na ng mga tao sa paningin ng Diyos, at ang kanilang kasamaan ay laganap na sa mundo.
12Nakita ng Diyos na lubhang masama ang mga tao sa mundo dahil ang ginagawa nila ay puro kasamaan.