8Mga pares ng malinis at maruming hayop, ng mga ibon at ng lahat ng nilalang na gumagalaw sa lupa
9ay dumating kay Noe at pumasok sa barko, magkakapares na lalaki at babae, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe.
10At pagkalipas ng pitong araw, bumaha nga sa daigdig.
11Nang si Noe ay 600 taóng gulang, sa ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, umulan nang napakalakas at umapaw ang lahat ng bukal. Si Noe ay animnaraang taóng gulang na noon.
12Umulan sa mundo sa loob nang apatnapung araw at apatnapung gabi.