9ay dumating kay Noe at pumasok sa barko, magkakapares na lalaki at babae, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe.
10At pagkalipas ng pitong araw, bumaha nga sa daigdig.
11Nang si Noe ay 600 taóng gulang, sa ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, umulan nang napakalakas at umapaw ang lahat ng bukal. Si Noe ay animnaraang taóng gulang na noon.
12Umulan sa mundo sa loob nang apatnapung araw at apatnapung gabi.
13Noong mismong araw na nagsimulang umulan, pumasok sa barko si Noe, ang asawa niya at ang tatlo nilang anak na sina Shem, Ham at Jafet kasama ang mga asawa nila.