Genesis 7

Kasama rin nila ang lahat ng uri ng nilalang: mga hayop na maiilap at maaamo, mga gumagapang at lumilipad.

Genesis 7:14 (UKJV) They, and every beast after his kind, and all the cattle after their kind, and every creeping thing that creeps upon the earth after his kind, and every fowl after his kind, every bird of every sort.

12Umulan sa mundo sa loob nang apatnapung araw at apatnapung gabi.

13Noong mismong araw na nagsimulang umulan, pumasok sa barko si Noe, ang asawa niya at ang tatlo nilang anak na sina Shem, Ham at Jafet kasama ang mga asawa nila.

14Kasama rin nila ang lahat ng uri ng nilalang: mga hayop na maiilap at maaamo, mga gumagapang at lumilipad.

15Pares-pares na dumating ang lahat ng nilalang na ito kay Noe at pumasok sa barko.

16Ang mga pares na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng uri ng nilalang ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ng Panginoon ang pinto ng barko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.