Genesis 7

Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya.

Genesis 7:5 (UKJV) And Noah did according unto all that the LORD commanded him.

3At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito upang mabuhay sila sa daigdig.

4Sapagkat pitong araw mula ngayon, magpapaulan ako sa buong daigdig nang apatnapung araw at apatnapung gabi, upang lipulin ang lahat ng nilikha ko sa balat ng lupa.”

5Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya.

6Si Noe ay animnaraang taóng gulang na nang bumaha sa daigdig.

7Pumasok siya sa barko kasama ang asawa niya, mga anak niyang lalaki at ang mga asawa nila upang hindi sila mamatay sa baha.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.