Genesis 7

At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito upang mabuhay sila sa daigdig.

Genesis 7:3 (UKJV) Of fowls also of the air by sevens, the male and the female; to keep seed alive upon the face of all the earth.

1Sinabi ng Panginoon kay Noe, “Pumasok ka sa barko kasama ang iyong buong pamilya. Sapagkat sa lahat ng tao sa henerasyong ito, ikaw lang ang nakita kong matuwid.

2Magdala ka ng pitong pares sa bawat uri ng malinis na hayop, ngunit isang pares lang sa bawat uri ng maruming hayop.

3At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito upang mabuhay sila sa daigdig.

4Sapagkat pitong araw mula ngayon, magpapaulan ako sa buong daigdig nang apatnapung araw at apatnapung gabi, upang lipulin ang lahat ng nilikha ko sa balat ng lupa.”

5Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.