Genesis 8

Kaya lumabas si Noe kasama ang kanyang asawa, mga anak niyang lalaki at mga manugang niya.

Genesis 8:18 (UKJV) And Noah went forth, and his sons, and his wife, and his sons' wives with him:

16“Lumabas ka na ng barko. Isama mo ang asawa mo at mga anak pati ang mga manugang mo.

17Palabasin mo rin ang lahat ng hayop upang dumami sila at mangalat sa buong mundo.”

18Kaya lumabas si Noe kasama ang kanyang asawa, mga anak niyang lalaki at mga manugang niya.

19Lumabas din ang lahat ng hayop: mga naglalakad, lumilipad at gumagapang. Magkakasama sila ayon sa kani-kanilang uri.

20Gumawa si Noe ng altar para sa Panginoon. Pagkatapos, kumuha siya ng isa sa bawat uri ng hayop na malinis pati rin sa bawat uri ng mga ibon na malinis, at sinunog niya ito sa altar bilang handog sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.