Genesis 8

“Lumabas ka na ng barko. Isama mo ang asawa mo at mga anak pati ang mga manugang mo.

Genesis 8:16 (UKJV) Go out of the ark, you, and your wife, and your sons, and your sons' wives with you.

14Nang ikadalawampuʼt pitong araw ng ikalawang buwan, tuyong-tuyo na talaga ang lupa sa buong mundo.

15Sinabi ng Diyos kay Noe,

16“Lumabas ka na ng barko. Isama mo ang asawa mo at mga anak pati ang mga manugang mo.

17Palabasin mo rin ang lahat ng hayop upang dumami sila at mangalat sa buong mundo.”

18Kaya lumabas si Noe kasama ang kanyang asawa, mga anak niyang lalaki at mga manugang niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.