Genesis 9

Kaya sinabi ng Diyos kay Noe, “Ang bahaghari ang siyang palatandaan ng kasunduan ko sa lahat ng nabubuhay sa mundo.”

Genesis 9:17 (UKJV) And God said unto Noah, This is the token of the covenant, which I have established between me and all flesh that is upon the earth.

15aalalahanin ko agad ang kasunduan ko sa inyo at sa lahat ng uri ng nilalang, na hindi ko na lilipuling muli sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay.

16Tuwing lilitaw ang bahaghari sa mga ulap, aalalahanin ko agad ang walang hanggang kasunduan ko sa lahat ng may buhay sa mundo.”

17Kaya sinabi ng Diyos kay Noe, “Ang bahaghari ang siyang palatandaan ng kasunduan ko sa lahat ng nabubuhay sa mundo.”

18Ito ang mga anak ni Noe na kasama niyang lumabas sa barko: sina Shem, Ham at Jafet. (Si Ham ang ama ni Canaan.)

19Sila ang mga anak ni Noe at sa kanilang tatlo nagmula ang lahat ng mga tao sa mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.