Genesis 9

Ngayon, si Ham na ama ni Canaan ay pumasok sa tolda, at nakita niyang hubad ang kanyang ama. Kaya lumabas siya at sinabi ito sa dalawa niyang kapatid.

Genesis 9:22 (UKJV) And Ham, the father of Canaan, saw the nakedness of his father, and told his two brethren without.

20Pagkatapos ng baha, nagpatuloy si Noe sa pagsasaka at nagkaroon siya ng ubasan.

21Isang araw, uminom siya ng alak, at nalasing. Nakatulog siyang hubad sa loob ng kanyang tolda.

22Ngayon, si Ham na ama ni Canaan ay pumasok sa tolda, at nakita niyang hubad ang kanyang ama. Kaya lumabas siya at sinabi ito sa dalawa niyang kapatid.

23Kumuha sina Shem at Jafet ng damit at inilagay sa balikat nila, pagkatapos, lumakad sila nang patalikod papasok sa tolda upang takpan ang kanilang ama. Hindi sila lumingon dahil ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama.

24Nang mahimasmasan na si Noe sa kanyang kalasingan, at nalaman kung ano ang ginawa ng bunsong anak niya,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.