Genesis 9

Isang araw, uminom siya ng alak, at nalasing. Nakatulog siyang hubad sa loob ng kanyang tolda.

Genesis 9:21 (UKJV) And he drank of the wine, and was drunken; and he was uncovered within his tent.

19Sila ang mga anak ni Noe at sa kanilang tatlo nagmula ang lahat ng mga tao sa mundo.

20Pagkatapos ng baha, nagpatuloy si Noe sa pagsasaka at nagkaroon siya ng ubasan.

21Isang araw, uminom siya ng alak, at nalasing. Nakatulog siyang hubad sa loob ng kanyang tolda.

22Ngayon, si Ham na ama ni Canaan ay pumasok sa tolda, at nakita niyang hubad ang kanyang ama. Kaya lumabas siya at sinabi ito sa dalawa niyang kapatid.

23Kumuha sina Shem at Jafet ng damit at inilagay sa balikat nila, pagkatapos, lumakad sila nang patalikod papasok sa tolda upang takpan ang kanilang ama. Hindi sila lumingon dahil ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.